Ang Banal Na Biblia

By: Zeres Vitto
  • Summary

  • Ang dakila at banal na biblia ay ibinigay ng Dios sa tao para ihayag na may Dios na lumalang sa kanila at sila ay nasasa ilalim ng banal na kautusan Niya. Ito rin ang nagpapahayag ng pinasimulan ng tao, ng paglalang ng lahat ng nasa langit at lupa, ng plano sa kaligtasan sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak - ang Dios na Anak ng Dios, ang Manlalalang, ang Manunubos na si Jesus, ang Punong Pari sa templo sa langit, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.

    Sapagkat ang pangalawang pagbalik ni Jesu-Kristo ay malapit na, at ang katapusan ng palugit sa tao ay mangyayari bago S'ya dumating, kailangang ang tao ay manumbalik sa Panginoon, tanggapin si Kristo bilang tagapagligtas, ikumpisal ang mga kasalanan at itakwil ito, binyagan sa pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo, at sundin ang Kanyang mga utos, upang hindi sila mawalay sa Kanya at hindi maagaw ng iba ang kanilang putong.

    Ilang mga bagay na lamang ang natitirang kailangang mangyari: ang panggaling ng sugat ng hayop (Papa Romana), ang pagbabatas ng pangingilin ng linggo simula sa Estados Unidos ng Amerika, ang pagtatatak sa mga anak ng Dios, ang pagsasara ng pinto ng awa sa kabanal-banalang dako sa templo sa langit, ang pagbuhos ng pitong huling salot, ang pagdating ni Kristo at mga anghel sa himpapawid, ang pagkamatay ng mga hindi naligtas sa sinag ng kaluwalhatiaan ni Kristo, ang pagbuhay ng mga ligtas na patay at pag-agaw sa kanila sa lupa kasama ng mga buhay na ligtas upang salubungin si Kristo sa himpapawid, ang seremonya ng scapegoat kung saan ang mga kasalanan na nilinis sa templo sa langit ay ipapatong sa ulo ni Satanas, ang isang libong taon na gugugilin ng mga naligtas sa langit sa paghuhusga ng mga hindi naligtas at ni Satanas at ang kanyang mga anghel; at pagkatapos ng isang libong taon ay ang ikatlong pagdating ni Kristo kasama ang mga anghel at mga ligtas, ang pagbangon ng mga patay na hindi naligtas, ang pagsunog sa mga makasalanan at kasalan sa lawa na apoy na may asupre; at pagkatapos ay ang paglalang ng bagong langit at bagong lupa kung saan si Kristo at ang mga nilalang ay maninirahan magpakailanman.

    Ang problema ng kasalanan ay pitong libong taon bago puksain. Sa bagong daigdig na lalalangin ng Panginoon para sa mga sumusunod at nagmamahal sa kanya ay hindi na muling mananagumpay ang kasalanan. Ito ang daigdig na dapat nating paghandaan. Ang buong biblia ang ating giya para maabot natin ang lugar na ito.

    Pagpalain nawa ng Dios ang makatagpo nito, ang makinig, at ang sumunod sa Panginoon.

    - Zeres Vitto

    Show more Show less
activate_Holiday_promo_in_buybox_DT_T2
Episodes
  • 1 Genesis - Tagalog
    Jul 14 2024

    Ang kasaysayan ng Paglikha, nilikha ng literal na anim na araw ang langit at lupa at lahat ng nangarito, ang bawat araw ay may gabi at umaga, nilalang ang tao sa wangis ng Dios

    Show more Show less
    5 mins
  • 2 Genesis - Tagalog
    Jul 14 2024

    Ang Halamanan ng Eden, ang paglalang ng babae, ang Sabbath ng Panginoon, ang institusyon ng pagkakasal sa pagitan ng lalaki at babae

    Show more Show less
    4 mins
  • 3 Genesis - Tagalog
    Jul 14 2024

    Nagkasala ang tao, inihayag ng Dios ang kaparusahan sa tao at kay Satanas, ang pangako ng pagtubos sa Genesis 3:15, pinalayas sa Eden ang tao

    Show more Show less
    4 mins

What listeners say about Ang Banal Na Biblia

Average customer ratings

Reviews - Please select the tabs below to change the source of reviews.